45 kawani ng PSG, nagpositibo sa COVID-19

79

45 na mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Brig. Gen. Jesus Durante III, Commander ng PSG, mula sa 126 ay nasa 45 na lamang ngayon ang nagpositibo sa virus.


Pero paglilinaw ni Durante ang 45 ay asymptomatic at hindi nakahalubilo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod nito, tiniyak ni Durante na ligtas at nasa maayos na kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, regular namang sumasailalim sa RT-PCR test ang Pangulo.

Sa ngayon, nananatili sa Malakanyang ang Pangulo at hindi muna uuwi sa Davao City.



Matatandaang muling kinansela ang Talk to the People ng Pangulo na sana ay ngayong gabi.


Facebook Comments