FDA nagbabala laban sa ilang hindi rehistradong Korean food products

Inaabisuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng ilang hindi rehistradong food products.

Kabilang na dito ang mga sumusunod:
Chami Natural Green Tea Slim Tea, Lemon Flavored Tea
Chef Tony’s Snack Co. Popcorners, Jalapeño Cheddar
Nuri Brand Spiced Sardines in Tomato Sauce, Salt Ded
Jelly Belly Sport Beans, Assorted Natural Flavors
Thai Pattana Premium Crispy Rolls, Tom Yum kung flavored

Lumabas sa FDA post-marketing surveillance na ang mga nabanggit na food products ay hindi dumaan sa tinatawag na registration process at nabatid na walang Certificate of Product Registration na tahasang paglabag sa Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009”


Ayon sa ahensya ang paggawa, importasyon, exportation, pagtitinda o kahit promotion ng mga nabanggit na food products ay mahigpit na ipinagbabawal

Paliwanag pa ng FDA dahil ang mga ito ay walang certification at hindi nabigyan ng permit, hindi matitiyak ang kaligtasan nang sinumang kakain nito

Facebook Comments