FDA, nagbabala laban sa mga hindi rehistradong food supplements

Manila, Philippines – Binabalaan ng Food & Drug Administration ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong mga Food Supplements

Kabilang na dito ang mga sumusunod:

1. Dalfour Beauty Ultrawhite Glutathione
2. Focus Factor Kids Berry with Choline & Phosphatidylserine, in Berry Blast Flavor
3. Blue Magic Slimming Tablets
4. Beauty Fruit Detox Plum
5. Meriam Black Pepper with Turmeric Capsules
6. Robesul Herbal Capsules
7. Brain Food Gotu Kola Capsule Food Supplement
8. Nano Fast Slim Food Supplement
9. Magna-Rx Capsules
10. Shoushensu Placenta Whitening Pearl Pearl Slimming Capsule


Napatunayan sa pamamagitan ng post marketing surveillance ng FDA, ang nasabing mga food suppplements ay hindi nakarehistro at hindi rin nabigyan ng otorisasyon tulad ng certificate of product registration.

Alinsunod sa Republic Act 9711 ang pagsasagawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon at pagpapalatastas ng produktong pagkalusugan ng walang otorisasyon mula sa FDA ay mahigpit na ipinagbabawal.

Nabatid na ang hindi rehistradong mga produktong ito ay hindi dumaan sa proseso sa pagsusuri ng FDA kung kaya’t hindi masiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng nasabing mga produkto.

Facebook Comments