FDA nagbabala laban sa paggamit ng hindi rehistradong medical device

20

Inabisuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko at healthcare professionals laban sa paggamit ng unregistered medical device product na Bang-Ze® First Aid Fabric Dressing 70mm x 18mm (50pcs / Box).

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang post-marketing surveillance ng FDA na ang nabanggit na adhesive device ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificates of Product Registration.

Gayundin, dahil ang hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri at pag-eeksamin ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan nito.

Ang nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng sinumang gagamit nito.

Facebook Comments