NPC, iniimbestigahan na ang passport data breach

42

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng National Privacy Commission (NPC) ang pagtangay ng dating passport production contractor ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa datos ng ilang passport holder.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro – ipapatawag nila ang sinasabing contractor gayundin ang DFA at iba pang kaukulang ahensya para matukoy ang katotohanan sa isyu.

Aniya, dapat maipaliwanag ang anumang pagkawala ng personal data at paglabag sa privacy rights.

Tiniyak naman ng NPC na ipagpapatuloy nila ang kanilang mandato na maprotektahan ang mahahalagang impormasyon ng mga Filipino.

Umapela rin ang NPC sa publiko na maging mahinahon.

Facebook Comments