Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa mahigpit na pagbabawal sa pagbebenta ng silver jewelry cleaning solution na nagtataglay ng cyanide.
Ayon sa FDA, lumalabas sa post-marketing surveillance activities at laboratory testing na ginawa ng kanilang common services laboratory na ang silver jewelry cleaners na nagtataglay ng cyanide ay nagdudulot ng pagkalason sa tao.
Ang epekto aniya nito ay ang pagkawala ng malay at hemodynamic instability o unstable blood pressure, abnormal heart rate at paninikip ng dibdib.
Ang cyanide poisoning aniya na dulot ng silver jewelry cleaning solution ay nagawan pa ng documentation ng National Poison and Management Control ng University of the Philippines.
Facebook Comments