Top 10 ng PMA “Masaligan” Class of 2021, isinapubliko na

148
Photo Courtesy: Philippine Military Academy

Inilabas na ng Philippine Military Academy (PMA) ang pangalan ng top 10 ng PMA “Masaligan” Class of 2021.

Ang valedictorian na kadete ay mula sa Negros Occidental na si Cadet 1st Class John Rey Artus.

Salutatorian ay si Daryl Artus na tubong Davao del Sur; top 3 ay si Valerie Mae Dicang ng Benguet; top 4 ay si Jan Hernan Perez ng Muntinlupa.


Habang top 5 ay si Christine Joyce Andog ng Cabanatuan; top 6 Feljoy Ending ng Oroquieta City; top 7 ay si Harold Sastado ng Batangas; top 8 ay si Pamela Calleja ng Albay; top 9 ay Michael Madriaga ng Kalinga at top 10 ay si Shirley Lim ng Tacloban City.

Sa darating na Linggo ay may 164 na kadete ng PMA ang nakatakdang magtapos.

Facebook Comments