FDA nagbabala sa pagkalat ng pekeng beauty products

143
Image via Food and Drug Administration FB page

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na maging maingat sa mga ibinebentang pekeng international at local cosmetic products.


Inanunsyo ng ahensiya sa kanilang Facebook group ang mga pekeng brand na kumakalat ngayon sa merkado.

Base sa imbestigasyon, ang mga ito ay gawa sa China o Korea:

• 3W Clinic’s Fresh Lemon and Fresh Aloe Mask Sheet

• RDL Babyface Whitening Night Cream 5 in 1

• RDL Face Off Fade-Out Cream Day Cream

• Maybelline New York The Magnum Volum’ Express Waterproof Mascara




• M•N® Menow Generation-II Long Lasting Lip Gloss (Variant 34)

Nakumpira nila ang estado ng mga produkto sa distributors, traders, at retailers. Dagdag pa nila, masama sa balat at iba pang parte ng katawan ang paggamit ng substandard cosmetic products.

Sinigurado ng pamunuan na mananagot sa batas ang establisyimentong nagbebenta ng mga pekeng beauty products.

Facebook Comments