FDA, nagbabala sa pekeng gamot sa sugat na posibleng kumalat na sa merkado

Nagbabala ngayon ang food and drug administration sa publiko sa mga ibinebenta ngayon na pekeng gamot sa sugat na betadine.

 

Ayon aa FDA, nagkalat na sa merkado ang mga pekeng version ng povedone iodine o betadine na 10 percent solution na 15ml ang sukat na gawa ng jspher marketing mula sa Davao City, soltan marketing sa Cebu City at guilcon laborities mula Aloguinsan, Cebu.

 

Nabatid na nakalagay na ang mga ito sa amber glass bottle kung saan malayo ito orihinal na lagayan ng lehitimong betadine na nasa mustard hdpe na plastic bottle na may mga induction liner at pp cap.


 

Maging ang mga pribado at pampublikong ospital kasama na ang mga healthcenters ay kanilang pinag-iingat dahil maari itong magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao.

 

Sakali naman makabili ng pekeng betadine, maaari nila itong isumbong sa email ng FDA sa report@fda.gov.ph o kaya tumawag sa mga numerong 02-8095596.

Facebook Comments