FDA, nagbabala sa publiko hinggil sa mga hindi awtorisadong gamot na ibinebenta sa private clinics

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko hinggil sa mga hindi awtorisadong gamot na ibinebenta ng ilang doktor mula sa mga pribadong klinika.

Ayon kay Director General Samuel Zacate, ilan sa mga doktor ay nagbebenta ng ilang mga gamot sa pasyente ng hindi dumaan sa FDA.

Aniya, posibleng maging delikado ito sa kalusugan ng pasyente kahit pa sinasabi ng ilang doktor na mabisa ang mga gamot.


Napag-alaman pa ng FDA na bukod sa mga clinic, nag-aalok din ng mga hindi awtorisadong gamot ang ilang mga doktor at iba pang health facilities.

Kaugnay nito, binalaan ng FDA ang mga doktor at mga clinic lalo na ang mga hindi lisensiyado na posible silang maklong sa ilalim ng batas hinggil sa paggmait at pagbehenta ng mga hindi awtorisadong gamot.

Paalala pa ng FDA ang mga gamot na nirerekomenda o ibinebenta sa mga klinika ay dapat na may gabay o alam ng isang lisensiyadong pharmacist.

Facebook Comments