Muling nagbigay ng paalala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) patungkol sa isang brand ng e-cigarete o vape juice matapos makitaan ito ng sangkap ng liqiuid marijuana.
Ayon sa FDA, ito ay may brand name na Gluttony at flavor o variant na “Mamon” nang magpositibo ito sa sangkap na cannabinol.
Dagdag pa ng naturang ahensiya, nakitaan din ng liquid cannabis o mas kilalang marijuana ang produkto na maituturing na ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act No.9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Dahil dito, iginiit ng FDA na papatawan ng kaparusahan ang mga establisyemento na magdi-distribute o magbebenta ng Gluttony dahil sobrang delikado ito sa kalusugan.
Pinakikilos na rin ng ahensya ang mga otoridad at ang mga lokal na pamahalaan para tiyaking hindi maibebenta sa merkado ang produkto.