FDA, nagbabala sa publiko sa paggamit ng valve masks

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa paggamit ng face masks na mayroong butas o valves.

Paliwanag ni FDA Director General Eric Domingo, idinisenyo ito na mayroong “one-way” valve kung saan ang inilalabas o na-exhale na hangin ay lumulusot sa filter disk.

Ibig sabihin, ang sumusuot lamang ng valve mask ang napoprotektahan.


Sakaling mayroong COVID-19 ang sumusuot nito, maaari niyang maipasa ang sakit sa ibang tao.

Hindi inirerekomenda ng FDA ang pagsusuot ng valve masks lalo na sa ospital, klinika at iba pang medical facilities.

Hindi rin dapat ito ginagamit sa mga mall, restaurants, at hotel na mayroong enclosed settings.

Ang pagsusuot ng face masks ay dapat sabayan ng physical distancing at paghuhugas ng kamay.

Facebook Comments