FDA, nagpalabas ng cease and desist order laban sa Fabunan vaccine

4401

Nagpalabas na ng cease and desist order ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa Fabunan Antiviral Injections.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa rehistrado ang Fabunan na sinasabing bakuna laban sa COVID-19.


Matatandaang kumalat sa social media ang umano’y paggamit ng Fabunan sa vaccine drive sa Zambales.

Ayon kay Vergeire, ang anumang gamot na hindi pumasa sa clinical trials at hindi rehistrado sa FDA ay hindi maaaring gamitin ng mga tao.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng Department of Health (DOH) ang kaso ng nasabing bakuna.

Facebook Comments