Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na nagpasa na ng Emergency Use Authorization (EUA) ang kompanyang Gamaleya mula Russia.
Kasunod nito, ayon kay FDA Director General Usec. Eric Domingo, ay sinisimulan na nila ang pagbusisi sa isinumiteng resulta ng Phase 3 clinical trial ng kanilang COVID-19 vaccine na ‘Sputnik V’.
Titiyakin umano ng ahensya na kumpleto ang isinumiteng dokumento ng Gamaleya at kailangan kumpletuhin sakali mang may kulang.
Samantala, hinihintay pa rin ng FDA ang resulta ng Phase 3 clinical trial mula sa kompanyang Sinovac para masimulan na ang evaluation sa kanilang bakuna.
Habang inaasahan naman ng ahensya na malapit na ring magpasa ng aplikasyon ang ilang kompanya tulad ng Moderna, Serum Institute of India at Bharat Biotech na mula rin sa India.