FDA nais i-regulate ang paggamit ng vape

Manila, Philippines – Gustong itakda ng Food and Drug Administration (FDA) sa 25 taong gulang ang pinakamababang edad o minimum age na maaaring gumamit ng e-cigarettes o vape.

Lumabas kasi sa global adult tobacco survey noong 2015 na halos 12% ng mga kabataan na may edad na 13 hanggang 15 sa Pilipinas ang nagsabing nakagamit na sila ng vape.

Samantala, inalmahan naman ito ng Philippine Electronic Cigarettes Industries Association at sinabing pinapatay ng FDA ang kanilang sector.


Pero bwelta ng FDA sinusunod lamang nila ang kanilang mandato na protektahan ang kalusugan ng bawat Pilipino.

Lumabas sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) ang e-cigarettes o vape ay hindi ni-cotine replacement therapy at wala ding scientific evidence na makapagpapatunay na ito ay ligtas gamitin.

Facebook Comments