FDA, nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi sa hanay ng mga bakunado

Nakapagtala ang Food and Drug Administration ng mataas na COVID-19 infection death sa mga indibidwal na nakatanggap na ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sa 1,135 na tinamaan ng nasabing sakit, 106 dito ang binawian na ng buhay na pawang partially at fully vaccinated.

Aniya, lahat ng nasawi ay senior citizen at may comorbidity.


Pero paliwanag ni Domingo, mas mataas pa rin ang mortality rate sa mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna kumpara sa mga fully vaccinated.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Domingo na epektibo ang COVID-19 vaccine sa para maiwasan ang paglala ng nakakahawang sakit.

Facebook Comments