FDA, nilinaw na wala pa ring nakarehistro sa kanila na gamot para sa COVID-19

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa paggamit ng mga gamot o bakuna para sa COVID-19.

Sa isang advisory, binigyang diin ng FDA na sa kasalukuyan ay wala pang rehistradong gamot o bakuna para sa COVID-19.

Sa ngayon, patuloy pa anila ang clinical trials para matukoy kung ligtas at epektibo ang mga gamot na maaari sa COVID-19.


Ilan sa mga ito ay mga anti-viral, anti-bacterial, at anti-malarial drugs na nakakapagpagaling ng COVID-19.

Kaugnay nito, nagbabala naman ang FDA sa mga manufacturer at magbebenta ng mga hindi lisensyadong produkto na ito gaya ng Prodex B at Fabunan antiviral injections.

Ang manufacturer ng mga nasabing gamot ay inabisuhan nang magparehistro ng kanilang produkto sa FDA Center for Drug Regulation and Research.

Binigyang diin ng FDA na hanggang hindi nila nasusuri ang mga nasabing gamot ay hindi pa masasabi kung ito ay epektibo at ligtas gamitin ng publiko.

Facebook Comments