Wala pa ring sagot ang Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa show-cause order na inisyu ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na may kinalaman sa 600 nakabinbing product registration applications.
Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, inilabas nila ito nitong nakaraang linggo at hanggang Biyernes lamang ang mayroon ang FDA upang magpaliwanag.
Sakaling hindi tumugon ang FDA, maghahain na ng reklamo ang ARTA sa Ombudsman.
Kasama naman ang imbestigasyon ang lifestyle check kung saan tanging ang FDA, Department of Health, Office of the Ombudsman, at Civil Service Commission ang maaaring magsuspinde sa mga opisyal na may kapabayaan.
Facebook Comments