FDA, pinayagan na ang paggamit ng COVID-19 test kit na dinevelop ng local scientists

Sa gitna na rin ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Corona Virus Disease 2019 sa bansa, naglabas ang Food and Drug Administration o (FDA) ng certification para sa detection kit ng COVID-19.

Ayon sa FDA, naglabas na sila ng certificate of exemption para sa SARS Cov-2 PCR detention kit.

Una nang nakadevelop ang mga scientists ng University of the Philippines – National Institute of Health Technology ng detection kit para matukoy ang mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang nasabing pag-aaral ay pinondohan ng Department of Science and Technology o DOST.

Sinabi ng FDA na gagamitin ang nasabing test kit para sa field testing kasama ng gene sequencing sa philippine genome center.

Layon nitong mabigyang suporta ang “Code Red” status ng Department of Health at naging deklarasyong State of Public Health Emergency ng Pangulong Duterte.

Ayon kay FDA Director Eric Domingo, magiging daan din ito para sa mas murang diagnostic procedure.

Tiniyak naman ng FDA na ligtas at epektibo ang mga produkto at gamit na dumadaan sa kanilang tanggapan.

Layon, aniya, ng hakbang na ito ng pnp na maprotektahan ang kanilang hanay mula sa nakakahawang Corona Virus Disease 2019.

Facebook Comments