Nationwide Earthquake Drill ngayong 2020, kinansela ng NDRRMC dahil sa COVID-19

Hindi na muna itutuloy ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang nakatakdang kauna-unahang Nationwide Earthquake Drill.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, naglabas ng Memorandum 24 series of 2020 si Office of Civil Defense Undersecretary Ricardo Jalad na nagsasabing ang Corona Virus Disease ang emergency cause ng kanselasyon ng aktibidad.

Nag-aabang na, aniya, sila ngayon sa pinakahuling development mula sa Department of Health para makapaglabas ng anunsyo kung kailan itutuloy ang earthquake drill.


Muli namang nanawagan ang NDRRMC sa publiko na manatiling kalmado at ugaliing maging malinis ang katawan para makaiwas sa Corona Virus Disease 2019

Facebook Comments