FDA, tiniyak na hindi pwersahan ang pagsali sa Phase 3 trials ng Russian vaccine

Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi sapilitan ang paglahok sa clinical trials para sa bakuna laban sa COVID-19.

Kasunod ito ng paglahok ng Pilipinas sa Phase 3 clinical trials ng Sputnik V na gawa sa Russia.

Ayon kay FDA Director General Dr. Eric Domingo, mayroong vaccine expert panel ang Department of Science and Technology (DOST) at sila ang pipili ng mga site at ospital kung saan gagawin ang mga clinical trial.


Sa mga mapiling lugar, magkakaroon ng ramdom selection na parang bunutan at kapag napili ang isang pasyente, itatanong kung gusto nitong lumahok o hindi.

Nilinaw rin ni Domingo na hindi pwedeng bayaran ang mga lalahok sa clinical trials.

Maliban sa clinical trial ng Sputnik V, lalahok din ang bansa sa World Health Organization (WHO) solidarity trials ng mga bakuna kontra COVID-19 pero inaayos pa kung anong vaccines ang maisasali rito.

Facebook Comments