FDA, tiwalang aaprubahan ang emergency use authorization sa COVID vaccine

Kumpiyansa ang Food and Drug Administration (FDA) na papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sila na mag-isyu ng emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccines na papasok sa Pilipinas.

Ang EUA ay isang authorization na ibinibigay sa isang produkto na sumasailalim sa development pero nakikitaan ng potential benefits.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kapag nabigyan sila ng authority na mag-isyu ng EUA, mas maraming vaccine developers ang mag-a-apply sa Pilipinas.


Mismong sina Department o Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang nag-endorso ng proposal na ito kay Pangulong Duterte.

Paglilinaw ng FDA na ang EUA mula sa ibang bansa ay hindi maaaring gamitin para sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Facebook Comments