Naglunsad ngayong taon ang Film Development Council of the Philippines o FDCP ng isang film festival na pinamagatang “Pelikulaya”.
Ang tema ng “Pelikulaya” ay “pantay-pantay, iba’t-ibang kulay” at ito ay kasabay ng selebrasyon ngayon ng pride month.
Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, ang “Pelikulaya” ay ang kauna-unahang LGBTQIA+ film festival na isinagawa ng FDCP.
Paliwanag ni Diño, ang pamahalaan ang nagsusulong ng mga istorya para lalong magkaroon ng representasyon ang mga LGBTQIA+ community sa Pilipinas.
Mapapakita aniya sa naturang film festival ang tunay na buhay ng mga miyembro ng LGBTQIA+ at higit sa lahat wala tayong tinitignang kulay pagdating sa karapatang pantao.
Para sa karagdagang impormasyon ay bisitahin lang ang offical Facebook page ng Film Development Council of the Philippines.
Nagsimula na ang “Pelikulaya” noong June 10 at tatagal hanggang June 26.