Supreme Court Associate Justice Filomena Singh, nagpositibo sa COVID-19

60

Kinumpirma ng Korte Suprema na nagpositibo sa COVID-19 si Supreme Court Associate Justice Filomena Singh.

Si Justice Singh ay nakakaranas lamang ng mild symptoms dahil siya ay nakatanggap na ng tatlong turok ng COVID-19 vaccine.

Patuloy rin siyang nagtatrabaho habang naka-isolate.


Naka-self-quarantine naman ngayon ang mga mahistrado at empleyado ng Korte Suprema na nakasalamuha ni Justice Singh sa Supreme Court En Banc session noong Martes.

Wala namang nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 sa mga mahistrado at empleyado ng Korte Suprema.

Nagpapatuloy naman ang lingguhang antigen test ng High Tribunal sa mga opisyal at empleyado nito.



Facebook Comments