FEATURED | Mangga para sa Masa!

Mangga ang pambansang prutas ng Pilipinas kaya naman kahit saan ka tumingin ngayon kaliwat kanan ang nagbebenta nito. Isa ito sa sa ikinabubuhay ng mga taga Dagupeno Sa halagang sampung piso matitikman na ang manga na nasa plastic cup na mayroong mayroong ibat-ibang klase ng sawsawan na swak sa panlasa ng mga mamimili.

Ayon kay Josephine Mararac vendor ng manga sa Dagupan City dahil sa pagbebenta ng manga napag aaral ang kaniyang mga anak na nasa kolehiyo. Kuwento nito ito ang hanap buhay ng kaniyang mga magulang noon kaya nakapag aral ang mga ito at maayos ang buhay nila.

150 ang isang kilo nito sa merkado at 2500-2600 ang nasa kaing. Kung magandang dulot sa katawan naman hindi magpapahuli ang MANGGA:
1. Maari itong makatulong sa may diyabetis
2. Maari itong gamitin bilang isang blackhead na paggamot
3. Maari itong makatulong upang maiwasan ang kanser
4. Nakakatulong upang labanan ang free radical damage
5. Binabawasan ang dark spots at blemishes
6. Tumutulong upang maiwasan ang stroke
7. Nagpapabuti ng memorya
8. Nagpapabuti sa pantunaw
9. Mahusay para sa balat


Kaya mag-mangga na, pero wag sobra idol!

Submitted by Austine Undang Molina

Facebook Comments