FECAL COLIFORM | 14 na establisyimento sa dalawang beach sa Puerto Galera, binigyan ng notice to vacate ng DENR

Manila, Philippines – Binigyan na ng notice to vacate ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 14 na establisyimento sa sabang at white beach sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Sa ilalim ng abiso, pinakikiusapan din ang mga nasabing establisyimento na pagtanggalin ang kanilang mga istraktura na nakatayo sa easement zones.

Ayon kay DENR-Mimaropa Assistant Regional Director Vicente Tuddao Jr., pinuno ng task force Galera – bibigyan ang mga ito na 30-araw para sumunod.


Umaasa si Tuddao, na magiging responsable sila sa pagtatanggal at pagbubuwag ng kanilang mga istraktura sa loob na binigay na mga araw.

Sa pamamagitan aniya nito, mauumpisahan agad ang rehabilitasyon ng dalawang beach sa lalong madaling panahon

Nabatid na nakitaan ng mataas na lebel ng fecal coliform ang kalidad ng tubig sa limang sampling stations sa Puerto Galera mula 2009 hanggang 2017.

Facebook Comments