Nasa Pangasinan ngayon ang ilang miyembro ng Consultative Committee para sa Federalism Roadshow ng gobyerno. Layon ng nasabing roadshow ang pagpapaliwanag ng mga nakapaloob sa proposal federalism system na maaaring i-adapt ng bansa na isinusulong ngayon ng administrasyon.
Ilan sa mga masigasig na humaharap sa nasabing roadshow upang sagutin ang mga katanungan ng media at ibang sectoral organizations ay sina Former Commodore Rex Robles, Professor Eddie Alih na nag-drafted ng proposed Bayanihan Constituion, Atty. Susan Ordinario, Former Economic Spokesperson Gary Olivar, Professor Edi de Torres, at iba pang study group members ng ConCom sa initiative ng Department of Interior and Local Government.
Maingat at mabusising ipinapaliwanag ng mga nasabing meyembro ng ConCom sa mga kawani ng media at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor kung ano ang proposed federalism system ng administrasyon at kung ano anong mga benepisyo ang maaaring maibigay nito sa bawat rehiyon. Ang nasabing roadshow ay dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan mula sa apat na mga probinsya ng Rehiyon Uno na magtatagal hanggang ngayong araw.
Photo-credited to Pederalismo FB
FEDERALISM | Edisyon ng Pederalismo Serye sa Rehiyon Uno nagpapatuloy!
Facebook Comments