Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Department of Interior and Local Government na kinakabahan ang mga empleyado ng gobyerno sa magiging epekto sa kanilang trabaho sakaling maipatupad na ang Federalismo sa bansa.
Ayon kay Interior and Local Government Assistant Secretary Jonathan Malaya, base sa kanilang pagaaral ay ito ang pangamba ng mga mangagawa ng Pamahalaan pero hindi aniya ito mangyayari.
Paliwanag ni Malaya, ang posibleng mangyari ay mailipat lamang ang responsibilidad ng ilang government employees sa ibang sangay ng Gobyerno.
Tiniyak din naman ni Malaya sa mga lokal na pamahalaan na sa ilalim ng Federal Form of Government ay mas tataas pa ang kanlang internal Revenue Allotment o IRA.
Inihayag din ni Malaya na magsasagawa sila ng National Federal Summit sa susunod na buwan kasabay narin ng pagarangkada ng inter-agency taskforce on Federalism na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayong magtulong tulong ang mga ahensiya ng Pamahalaan sa paghahanda sa pagpalit ng porma ng Gobyerno patungo sa Pederalismo.