FEDERALISM | Mga miyembro ng 17th Congress, hindi dapat makinabang sa Cha-Cha – Senator Lacson

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pagpapasok ng probisyon sa gagawing Charter Change na hindi dapat makinabang dito ang mga miyembro ng 17th Congress.

Ito ang nakikitang paraan ni Senator Lacson para matiyak na hindi mananaig ang pansariling is interes ng mga senador at kongresista sa gagawing Cha-Cha para bigyang daan ang pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong Federalism.

Tugon ito ni Lacson sa pagsusulong ng ilang kongresista ng term extension at ‘No Election Scenario’ sa loog ng transition period para sa pagpapalit ng porma ng gobyerno.


Nauna ng tinawag ni Lacson ang nabanggit na mga kongresista na mga balasubas, makakapal ang mukha, hindi mapagkakatiwalaan at walang delicadeza.

Facebook Comments