CANCELLED FLIGHTS | 6 na domestic flights, nadagdag sa mga nakanselang biyahe

79

Manila, Philippines – Patuloy na nadagdagan ang mga kanseladong flights dahil na rin sa nararansang masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), partikular na nadagdag sa cancelled flights ngayong Jan 12 ang biyahe ng PAL Express 2P 2261/2262 Manila-Naga-Manila; 2P 2014/2015 Manila-Tuguegarao- Manila; at Cebu Pacific 5J 196/197 Manila-Cauayan-Manila.

Una nang kinansela ng CebGo ang kanilang flight DG 6111/6112 na may biyaheng Manila-Naga-Manila.

Kasunod nito pinapayuhan ang mga pasahero na may kanseladong flights na makipag-ugnayan sa mga nabanggit na airline companies para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments