Federalism Orientation ng Quirino Province, Isinagawa!

Ipinaliwanag ng Department of Intrerior and Local Government Reg. 02 (DILG) sa federalism orientation ang konsepto at istraktura ng pederalismo na dinaluhan naman ng nga iba’t ibang kawani ng pamahalaan mula sa lalawigan ng Quirino.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Romeo Manongad Jr. ang regional project officer center for federalism and constitutional reform ng DILG region 2, ay napakahalaga aniya na maipaliwanag ang pederalismo sa mga tao upang malaman ang magandang epekto o dulot nito.

Ito ay bilang bahagi parin ng isinagawang kick off ceremony ng federalism roadshow na kung matatandaan ay nagsagawa ang DILG sa lungsod ng Cauayan noong nakaraang Setyembre 2018.


Dagdag pa nito, nagkaroon na rin umano ang DILG ng speakers bureau training sa buong rehiyon kung saan dinaluhan ng mahigit kumulang isang daang katao mula sa ibat ibang sangay ng pamahalaan at galing sa ibat ibang bayan at lalawigan.

Ito ay layunin namang turuan ang mga ito upang maging katuwang sa pagpapaliwanag sa konsepto ng pederalismo.

Samantala, ngayong araw naman nakatakdang matatapos ang naturang aktibidad.

Facebook Comments