FEDERALISM | Pederalismo – posibleng mauwi sa pamamayagpag ng political dynasty

Manila, Philippines – Pagresolba sa kahirapan at hindi pagbalangkas ng bagong saligang batas ang dapat na prayoridad ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Prof. Edmund Garcia, miyembro ng 1986 Constitution, kasunod ng isinusulong na Pederalismo ng Administrasyong Duterte.

Naniniwala umano si Garcia na mas kailangan ng mga Pilipino ng pagkain, trabaho, pabahay at edukasyon.


Dagdag pa ni Garcia, ‘wag sanang makalimutan na kaya binalangkas noon ang 1987 constitution ay para hindi na maulit ang diktaturya noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nabatid kasi na isa si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa mga nagsusulong Federalism, bagay na ipinagtataka ni Garcia.

Kung magkataon, posible aniyang mauwi sa pamamayagpag ng political dynasty sa iba’t ibang rehiyon ang isinusulong na Pederalismo.

Facebook Comments