FEDERALISM | Resolution na naglalayong mag-convene ang Kamara at Senado bilang Con-As, pasado na

Manila, Philippines – Pasado na ang House Concurrent Resolution #9 na layong mag-convene ang Kamara at Senado bilang Constituent Assembly na siyang babalangkas sa Federal Charter.

Tinangka pa ng MAKABAYAN Bloc sa Kamara na mag-interpellate pero hindi na ito pinayagan.

Kinwestyon din ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang quorum pero sa huli ay may naideklarang quorum sa plenaryo.


Inaasahan na agad na magko-convene ang Kamara at Senado para talakayin ang mga iaamyendang probisyon sa Saligang Batas.

Target naman na sa Pebrero o Marso ay makabuo na ang Con-As ng final na charter sa Federalism.

Sakaling matuloy ang Barangay at SK election ngayong 2018, isasabay ang plebesito dito.

Ito ang piniling paraan ng mga mambabatas para mapabilis ang paraan sa pag-amyenda ng Konstitusyon at mas makakatipid din ang gobyerno.

Facebook Comments