FEDERALISM | Sen. Koko Pimentel, umaasang makakakuha ng suporta sa Kamara ang isinusulong na pederalismo

Manila, Philippines – Umaasa ngayon si Senador Koko Pimentel na makakakuha ng suporta sa Kamara ang isinusulong na pederalismo.

Sa interview ng DZXL RMN Manila kay Pimentel, sinabi niya na tanging si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang nakikita niyang pagasa na pro-federal system.

Ayon kay Pimentel, mag-isa na lang siyang natira sa Senado na nagsusulong sa panukalang pagpapalit sa uri ng gobyerno.


Anya, hindi rin ito kailangang madaliin dahil kailangan ng panahon para muling maipaliwanag sa lahat.

Una rito, isa ang pederalismo sa isinusulong ni Pangulong Duterte kahit noon pang panahon ng eleksyon na layon umanong matugunan ang kahirapan sa bansa.

Facebook Comments