KAKAIBA | Higit P366-M na halaga ng mansyon sa London, ipinagbibili na lang sa halagang P950

London – Isang 5.2 million pound sterling mansion (P366-million) ang pwedeng mapasayo sa halagang 13.50 pound sterling (P950)!

Ang mansyon na tinawag na dancers hill house ng North London ay may anim na kwarto, tatlong lounge, sinehan, gym at wine room!

Pero makukuha lang daw ito ng interested buyer kung masasagot niya nang tama ang tanong ng owner tungkol sa history ng kanilang bahay.


Kwento ni Melanie Walsh, 25 years silang tumira sa dancers hill house pero nagdesisyon silang lumipat na nang magkaroon sila ng bagong baby.

Kaya naisipan nila itong ipagbili sa pamamagitan ng raffle tickets na nagkakahalaga lang ng P950.

Pero kung hindi makukuha ng mag-asawa ang target nilang 600,000 tickets tuloy ang raffle sa December 16 pero cash prize na lang ang kanilang ibibigay.

Facebook Comments