FEDERALISM | Trabaho ng consultative committee, dapat tapusin muna bago simulan ang pag-uusap ng kongreso sa Cha-Cha

Manila, Philippines – Inihayag ng palasyo ng Malacanang na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na maikonsidera ng kongreso ang magiging resulta ng pag-aaral ng kanyang binuong Consultative Committee to review the 1987 Constitution.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bago magsimula ang pagtalakay sa kongreso sa pagpapalit ng saligang batas ay gusto ng pangulo na matapos muna ang pag-aaral ng kanyang binuong Komite.

Binigyang diin ni Roque na walang balak si Pangulong Duterte na madaliin ang Cha-Cha dahil alam ng Pangulo ang kahalagahan nito.


Tiniyak din naman ni Roque na mabibigyan ng oportunidad ang mamamayan na pag-isipan at pag-usapan ang usapin ng pagpapalit ng saligang batas.
Matatandaan na 20 sa 25 miyembro pa lang ang naitatalaga ni Pangulong Duterte sa Consultative Committee na siyang magsasagawa ng pagaaral sa saligang batas sa harap narin ng isinusulong ng pamahalaan na Federal Form Government.

Facebook Comments