Tinatayang humigit kumulang sa tatlumpong libo katao ang dumagsa sa Sultan Kudarat Provincial Gym sa bayan ng Isulan noong araw ng sabado December 2 2017, kasabay ng isinagawang Forum on Federalism.
Lumahok sa aktibidad ang mga opisyales at mga residente ng mga bayan ng lalawigan ng Sultan Kudarat at Maguindanao.
Ilan sa mga kilalang opisyal na nanguna sa pagtitipon si Peter Laviña, dating deputy cabinet secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte, Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu, Congressman Suharto Mangudadatu at artistang si Efren Reyes.Layun ng pagpupulong ay para ipaunawa ang isinusulong na Federalismo na may temang “ Tapang para sa Pagbabago, Malasakit alay sa Kapamilya Ko”.
Kaugnay nito kapwa nagpaabot ng pagsuporta ang lahat ng mga dumalo at umaasang maipapatupad na sa bansa ang Federalismo ayon pa kay Congressman Datu Suharto Mangudadatu habang malaki aniya ang maitutulong ng Federalismo para sa tuloy tuloy na pagbabago ng gobyerno at matuldukan ang mga anumalyang tila matagal ng naging tradisyon sa pamahalaan dagdag pa ni Datu Abdullah Sangki Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Maliban sa bayan ng DAS sa Maguindanao, dumalo rin ang mga kilalang opisyal mula sa Ampatuan Clan na kinabibilangan ni Datu Unsay Mayor Bai Reshal Ampatuan, at Mamasapano Mayor Benzar Ampatuan .