Federalismo, tuloy pa rin kahit di nabanggit sa SONA ng Pangulo

Tuloy pa rin ang federalismo kahit pa hindi ito nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-4 na State of the Nation Address kahapon.

Sa post SONA na ginanap sa QC na dinaluhan ng mga miyembro ng gabinete, sinabi ni Sec. Carlo Nograles , tuloy-tuloy ang konsultasyon sa isinusulong na pagpapalit ng gobyerno ng bansa patungo sa federalism.

Naniniwala si Nograles na sa pamamagitan ni House Speaker  Alan Peter Cayetano ay matatalakay ang federalismo ngayong 18th Congress.


Gayunman, kung ito ay hindi maihahabol sa termino ni Pangulong Duterte, sinabi ni Nograles na maaari itong gawing batayan ng susunod na administrasyon.

Facebook Comments