Feed-in tariff allowance na ipinapataw sa electric bill, pinababawasan

Iniutos na ng Energy Regulatory Commission o ERC na ibaba ang feed in tariff allowance na sinisingil sa lahat ng electricity consumer sa buong bansa.

Mula sa P0.25 kilowatt hour, pinabababa ito ng ERC sa P0.22 kwh.

Ang feed in tariff ay kasama sa sinisingil sa bill ng mga consumer bilang pambayad sa mga itinatayong renewable energy gaya ng solar at wind plant.


Magiging epektibo ang bawas sa bill ng mga consumer sa April o May 2019.

Facebook Comments