FEEDBACK | Pangulong Duterte, nakatanggap ng ‘very good’ trust rating sa 1st quarter survey ng SWS

Manila, Philippines – Nakatanggap si Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘very good’ net trust rating.

Sa 1st quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), 76% ng mga Pilipino ang buo ang tiwala kay Duterte, 14% ang mayroon lamang kaunting tiwala habang 10% ang undecided.

Katumbas ito ng +65 na net trust rating, mababa kumpara sa +75 o ‘excellent’ trust rating na natanggap ng punong ehekutibo noong December 2017.


Nanatiling excellent ang natatanggap ng Pangulo sa Visayas at Mindanao habang very good sa balance Luzon at Metro Manila.

Sa walong surveys mula noong June 2016, ang net trust rating ng Pangulo ay naglalaro lamang sa ‘excellent’ at ‘very good’.

Isinagawa ang survey mula March 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments