USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Special Assistant to the President Bong Go, positibong maayos ang kalalabasan ng peace talks

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Special Assistant to the President Bong Go na magiging matagumpay ang resulta ng usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at New People’s Army (NPA).

Ayon kay Go, nais niyang maisakatuparan ang pangarap ng Pangulo na magiging mapayapa ang buong bansa.

Pinasalamatan din ni Go ang MILF dahil sa pagtitiwala nito sa Pangulo.


Nanawagan din si Go sa NPA na maging tapat sa kanilang Pangako at sundin ang anumang kondisyon ng gobyerno kasabay ng muling pagbuhay sa peace talks.

Facebook Comments