Ang school feeding program ay para sa 133 na paaralan sa lalawigan ng Maguindanao.
Inaasahang aabot sa 45,000 kabataang mag-aaral sa siyam na munisipyo ng probinsya ang makakabenipisyo sa programa.
Layunin ng programa na madagdagan ang bilang ng enrollees, maiangat ang attendance at maiwasan ang drop outs sa mga kabataang mula Kinder hanggang grade-6, at nasa edad 5-12 taong gulang.
Ito ay bilang suporta umano sa pagsisikap ng gobyerno na makamit ang Sustainable Development Goals (SDG) 2030.
Inaasahang masisimulan ang School Feeding Program sa unang Linggo ng Hulyo, taong kasalukuyan.
Ayon kay Provincial Chief of Operations Dr. Ronjamin M. Maulana ng DA-Maguindanao, magtutuloy-tuloy ang suporta ng kagawaran sa programa ng WFP at ng DepEd-ARMM sa pamamagitan ng pamimigay ng assorted vegetables seeds na mapanggagalingan ng pagkain o nutrisyon ng mga mag-aaral kasama ang technical support patungkol sa Sustainable Crop Management upang matiyak na may kaukulang kaalaman ang mga ito para mapanatili ang programa.
Feeding program ng UN-WFP at DepED, SUPORTADO NG DA-MAGUINDANAO!
Facebook Comments