Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

Pormal nang nakapanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa seremonya sa National Museum of Fine Arts, kinanta ng Tv host/actress na si Toni Gonzaga ang Philippine National Anthem na sinundan ng ecumenical invocation.

Nagsagawa rin ng military-civic parade ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy, Philippine Air Force (PAF) at iba pang sektor na tumagal ng 30-minutes.


Isinunod ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal,” na kinanta ng singer na si Cris Villonco kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.

Si Sen. Vicente “Tito” Sotto III ang nagbasa ng proklamasyon ng resulta ng 2022 National Elections kung saan nagwagi si Marcos bilang pangulo ng bansa.

Matapos ito, pormal nang nanumpa si President Marcos kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na sinundan ng kanyang signing of Oath of Office.

Nagbigay rin ang AFP ng 21-gun salute para sa kanilang bagong commander-in-chief.

Sa kanyang kauna-unahang talumpati bilang pangulo, umapela si Marcos ng pagkakaisa sa taumbayan para sa ating kinabukasan.

Tiniyak din ni Marcos na mas pagtutuunan niya ng pansin ang mga pagbabago sa hinaharap, kaysa sa nakaraan lalo pa’t ang pangarap aniya ng taumbayan para sa Pilipinas ay kaniya ring pangarap.

Samantala, sinaksihan ang selebrasyon ng first family, ina ni Pangulong Marcos, na si dating First Lady Imelda Marcos, at mga kapatid na sina Sen. Imee Marcos at Irene Marcos-Araneta.

Kabilang din sa dumalo si Vice President Sara Duterte at pamilya nito, mga VIPs, sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo, iba pang matataas na opisyal ng gobyerno at iba’t ibang delegasyon mula sa ibang bansa.

Facebook Comments