President BBM, tumanggap ng presidential painting mula sa artist na si Lulu Coching

139

Mayroon na ring presidential painting si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na ipininta ni Lulu Coching.

Sa ibinahaging post ng Uniteam Facebook page, makikita ang portrait ni Marcos na nakasuot ng Barong Tagalog at may watawat ng Pilipinas sa likod.

Ikinabit na ang portrait ng pangulo sa Palasyo ng Malacañang ilang araw bago ang inagurasyon nito.


Si Coching ay isang renowned artist na siya ring gumawa ng mga portrait ng mga dating presidente tulad nina Benigno Aquino III, Joseph Estrada, Fidel V. Ramos, at Cory Aquino.

Matatandaang ipininta rin niya si former Manila Mayor Isko Moreno bilang regalo sa ika-46 na kaarawan nito.

Facebook Comments