Fetus na Bumara sa Inidoro, Inilibing na, Ina pinaghahanap!

796

*Cauayan City, Isabela- *Nabasbasan at nailibing na sa public cemetery ng Calaocan, Santiago City ang isang fetus na tangkang i-flush sa Female CR ng Florida Bus Terminal sa may Maharlika Highway, Villasis, Santiago City.

Sa naging panayam ng 98.5 iFMCauayan kay P/Maj Reynaldo Mgagay, hepe ng Santiago City Police Station 1, bandang 3:30 ng madaling araw noong Setyembre 7, 2019 nang madiskubre ang fetus matapos na iparating ng isang pasaherong babae sa security guard na barado ang CR.


Nang tingnan ng sekyu ang Female CR ay natuklasan ang isang fetus na hindi lumubog sa inidoro na tinatayang nasa 9 inches ang laki at pinaniniwalaang inilaglag at i-flinush ng ina.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matunton ang ina na gumawa sa nasabing insidente at ito’y posibleng maharap sa kasong abortion.

Facebook Comments

From Advertisers