Fetus na Nakalagay sa Isang Bag, Natagpuang Palutang-lutang sa Ilog!

*Roxas, Isabela-* Isang pitong buwan na fetus na nakalagay sa isang bag ang nakita ng mga residente na palutang-lutang sa ilog bandang alas diyes kaninang umaga partikular sa Sitio Baranban Brgy.Matusalem, Roxas, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, mula sa ipinaabot ng isang concerned citizen na si Armando Frondarina sa PNP Roxas, na nakita ang bag na palutang-lutang sa ilog na naglalaman ng tinatayang nasa pitong buwan na fetus.

Agad namang tinungo ng kapulisan ang nasabing barangay at dito nakumpirma ang natagpuang fetus.


Sa ngayon ay kasalukuyan na ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP Roxas hinggil sa natagpuang fetus na maaring abortion ang nakikitang kaso nito.

Facebook Comments