Lalaking Tulak ng Droga, Patay Matapos Manlaban sa Buy Bust!

Echague, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP Echague, Provincial Intelligence Branch, Regional Intelligence Unit 2 at PDEA RO2 pasado alas nuebe kagabi sa Brgy. Cabugao, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na napatay na si Orlando Da Jose ng Sitio Nieto, Batal, Santiago City, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, binentahan umano ni Da Jose ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer subalit natunugan umano ng suspek ang patibong ng mga pulis kaya’t inilabas agad ang kanyang baril at ipinutok sa pulis na ka- transaksyon.


Maswerte namang nakaiwas ang pulis mula sa putok ng baril ni Da Jose at dito na rin dumipensa ang mga alagad ng batas sa pamamagitan ng pagputok ng baril kay Da Jose na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Isinailalim na sa Autopsy ang suspek habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente sa tulong na rin ng SOCO Team at sa pagkakakilalanlan na rin ng mga kasama ni Da Jose.

Facebook Comments