FEU at De La Salle, nagkainitan sa tune-up game ng UAAP sa Davao

Sports – Nauwi sa kaguluhan ang exhibition game ng De La Salle University at Far Eastern University na ginanap sa Almendras Gym sa Davao City.
Unang nagkaroon ng tulakan sa mga players kung saan mas lalong sumiklab ang gulo nang sumali na din sa komosyon ang mga players ng dalawang koponan na nakaupo sa bench.
Dahil dito, napilitan itigil ang laro na may 20 seconds pang natitira sa 3rd quarter kung saan lamang ang feu sa score na 70-57.
Agad din pinabalik sa kani-kanilang hotel ang team ng La Salle at FEU habang pag-aaralan pa ng pamunuan ng uaap kung ano ang susunod na hakbang sa nangyaring gulo.

Facebook Comments