Paul Salas, patuloy na binabash sa kabila ng paghingi nito ng dispensa kay Daniel Padilla

Showbiz – Sa kabila ng paghingi ng dispensa ni Paul Salas kay Daniel Padilla marami pa ring netizens ang kumukuwestiyon sa sinseridad nito.
Base sa komento ng iba, hindi raw nila maramdaman na bukal sa loob ni Paul ang paghingi ng tawad nito.
Humingi lang daw ito ng sorry dahil sa katakut-takot na pamba-bash na tinatanggap nito mula sa Kathniel fans.
Matatandaan na nag-ugat ang isyu sa pangungutya ni Paul sa napanood niyang engkuwentro nina Daniel at JC de Vera sa Star Magic All-Star Basketball Game noong August 13.
Nag-trending sa Twitter ang patutsada ni Paul kay Daniel na mas mabuting maglaro na lamang ito ng lazer tag kung ayaw nitong masaktan sa basketball.

Facebook Comments