Lockdown sa buong Tangub City, Misamis Occidental, ipinag-utos na ng PNP

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos ang lockdown sa Tangub City sa Misamis Occidental.

Kasunod ito ng gun attack sa lugar na nagresulta ng pagkakasugat ng tatlong local aspirants sa 2022 election na sina; Rep. Henry Oaminal, Mayor Michael Gutierrez ng Lopez Jaena municipality at dating Oroquieta City Mayor Jason Almonte.

Ayon kay Carlos, parte ang lockdown upang magsagawa ng operasyon na huhuli sa mga suspek.


Buo na rin ang mga police teams para sa seguridad ng tatlo.

Sa ngayon, nasa pagamutan pa rin sa Misamis University Medical Center si Gutierrez habang nasa stable nang kondisyon sina Congressman Oaminal at Jason Almonte

Si Gutierrez ay tumatakbo bilang vice governor ng Misamis Occidenta habang si Almonte ay aspirant sa pagka-congressman ng 1st District ng Misamis Occidental.

Facebook Comments